Smart Cares

Thursday, July 29th, 2010

Dalawang buwan ko ng pinoproblema ang bill ng SmartBro namin na hindi umaabot sa bahay namin. Hindi ko alam kung baket, pero mas magulo pa ata sa paikot ikot na bituka ng manananggal ang mailing system dito sa Pilipinas.

Wala naman akong problema dapat dahil on time ako magbayad ng bill kahit na di ko narereceive ang.. uhm.. bill. I mean, yung papel mismo na sinesend nila na parang sa Meralco na nakalagay kung magkano ang babayaran mo kahit na alam mo namang Php999.00 naman palagi ang lalabas don. Ang nakakairita lang, may lahing credit card company ata etong Smart at kung makasingil eh akala mo tinaguan ko na sila at sinulutan ng boyfriend.

Last month, nagbayad ako ng bill kahit na hindi pa namin na receive ang.. eto nanaman ako.. bill. Inisip ko nalang, keber nalang, baka nagka problema lang ng isang beses. After a few days ay nakareceive ako ng life threatening text message na nagsasabing:

Your Smart Bro Account *******223 is OVERDUE and service may soon be disconnected. Please pay P999 soonest at any authorized payment center to AVOID DICONNECTION. Please disregard if paid. Thank you.

Number one, PAKINSHETYU. Matapos mong mag type ng sangkatutak ng naka all caps na words babawi ka sa huli ng ‘Please disregard if paid’? Tantadu ba you?

Number two, isa ako sa mga taong hindi gusto ang feeling na may hindi natapos na business, lalo na pag pera ang usapan. Ayoko ng may utang, ayoko ng may hindi nabayaran, ayoko ng hinihingan ng pera kahit di pa dumadating ang sahod ko. Kaya nairita ako ng bonggang bongga nung nabasa ko ang message na to. Lalo na’t nagbayad na ko.

Number three, everyday ang text ng walanghiyang Smart saken. Daig pa ang mga fans ni Sandara ng Star Circle Quest nung kelangan sya iboto para manalo.

After a few days ule, may tumawag sa cellphone ko. Hindi nagregister ang number kaya nagdalawang isip ako sagutin. Pero dahil nagmamaganda lang naman ako, sinagot ko ren after ilang ring. Si ate sa Smart tumatawag para sabihan akong magbayad na. Aba lumelevel up ang walanghiya!

Ateng Smart: Hello, good morning, is this Mr. Jan Carlo Caduldulan (para sa di nakakaalam, ayan ang pangalan ko. Wala akong interes sa anonymity) ?

Vajarl: Yes po.

AS: Re-remind ko lang po kayo na overdue na po ang bill nyo sa Smart Bro.

V: Ah, eh kase po nagbayad na po ako two weeks ago pa. Hindi ko nga ala mkung bakit hanggang ngayon eh nagtetext paren kayo saken na overdue.

AS: Ah ganon po ba? San nyo po ba binayaran?

V: Dun po sa parang ATM sa SM Fairview. Ang problema kase non hindi ko nareceive yung bill, kaya dun ako nagbayad. Pwedeng pakicheck pala yung address na pinagsesendan nyo ng bill?

AS: Eto po ba: *sinabi ang address ko*

V: Tama naman.

AS: Hindi nyo po ba nareceive? Ang sabi po kase dito sa records namen, nareceive nyo na po.

V: Huh?

AS: Ang nagreceive po eh ang pangalan Marilyn.

V: Marilyn? Wala akong kilalang Marylin.

AS: Ganon po ba? Marilyn po nakalagay dito eh. Anak nyo raw po.

*katahimikan*

V: *napalunok ng laway*

V: Wala pa po akong anak.

Kinabukasan dumerecho ako sa Smart Wireless Center para i check ang lagay ng kaganapang nasa taas. Ang daming tao. Dalawang oras ako nag antay. Nung tinawag na number ko, pinaliwanag ko ang nangyari sa kuyang hindi nakikinig. Sakit sa bangs sa pwet.

Hanggang ngayon di pa sya ayos.

Oo nga pala, ni-follow din nila ako sa Twitter.

24 months ang kontrata ko sa Smart Bro. 2 years.

Marilyn, kung sino ka man, pakiforward nalang ng bill namen sa address ko. Halabyumwahchups. Wag ka mag alala, papadalan ka ng itay.

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Lutang
  2. Frustration overload
  3. SI16 – Kaliwa’t kanan

Tags: , , , , , , ,

125 comments on “Smart Cares”

  1. base ako.. yey!!! finaly.. one real kiss pag uwi ko..wahhh.. :D

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Yey! Kungreshemeleyshens Ate! Yey!

    [Reply]

    leemi Reply:

    wahhh.. kandaligaw ligaw na bill..
    hirap nga pag ganun kase maya bigla ka putulan ng ano ng connection eh di lalong nagwala lahat ng pwedeng magwala sa’yo. May tita ako na Marilyn, pero malamang sa malamang na hindi sya nakakareceive ng ganyang bill.

    extend na lang ng patience Sweetie :)

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Hindi kaya anak ko yang tita mo? Ano ng dapat kong itawag sayo kung sakali? Pamangkin ng anak ko? SHET!

    [Reply]

    leemi Reply:

    hala.. parang ako ba yung nagsesearch ng mga ganung kahindik hindi ka search sa haus mo kung ganun?.. Syet!!.. LOLO? Lolo Sweetie?.. SHETTT!!

    Vajarl Reply:

    Bat naging Lolo? Hansaket sa bangs! Hindi bagay saken maging Lolo. Uber fabulousness ako tapos Lolo? Bohahaha.

  2. SEKAND BASE KAMI NI PONG!!!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Walang kupas ang bulaklak mong naamoy ko na na amoy welder! Lol

    [Reply]

    Kuhrach Reply:

    ay naku. matagal ko ng sinasabi, smartbulok! pero aku din may smartbro postpaid, nakapangalan naman kasi sa boyfren ko. ako taga bayad. tae.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Wow nakapangalan sa boyfriend! Buti ka pa may boyfriend! Uberlols.

    [Reply]

    Kuhrach Reply:

    at buti ka pa, may anak!

    Vajarl Reply:

    Infurrnes! Winner ako haha.

  3. Anong drama mo sa buhay? Hindi ka na pala virgin at may anak ka na! Hello Hello Marilyn. Hihihihi.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Second coming ako ng virgin father. Ang tawag saken..

    Papa Vajee.

    Pis religious people yo.

    [Reply]

    manok ni san pedro Reply:

    blasphemy!

    kidlatan yan sa mukha pagkatapos, tutbrasin ng steel brush ang bibig nyang sobrang tampalasan!pag mumugin na rin ng buhangin pagtapos!

    be blessed po!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Tae mo yung manok ni san pedro walang pantal na kulay blue sa pwet! Mapagpanggap!

  4. ayan. hindi ko maalala kung kelan ako huling nagcomment sa mga blog. HAHA.

    marilyn. amp. muntik na akong magcommnet ng di maganda. HAHAHA. *kaway kaway sa mga may marilyn na name*

    sabihin ko na lang sayo pag nagchat tayo.

    i <3 smart
    pero globe ako dati. :D

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Ay, Junjun, anyare? Bat napadalaw ka? May initiatio na uli dito. Kelangan mo kumain ng Jjamppong ng walang tinidor.

    I chat mo ko sa FB sira. Wala kang kwentang nilalang iniwan mo na nga Pilipinas hindi ka pa nagsusulat.

    Gumaganon? Haha.

    [Reply]

  5. wahahaha, may nanawala ka palang anak vajee..congrats..wahahahah

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Nawawala paren sya hanggang ngayon. Sinama pa nya yung bills namen. Kapalmuks amp. :))

    [Reply]

  6. edi sana sinabi u n din ang add u db?! nyahahha.
    ung malagkit,madikit at makatas sa side bar mo hang kyut! kta ilang koments! mkkhabol p kya ako? nyahha..
    bago n pla theme u. i likey!!^^

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Matagal ng bago yan KD! Haha.

    [Reply]

  7. bwahahahaha! me ganon? ito pala ang istorya ni marilyn na anak mo. sorry, pero ang sarap nilang murahin parepareho. at ang bait mo naman magantay ng dalawang oras tapos di pa rin naaayos? kaya buti na lang at di ako nagsmart bro. bulok ang sistema eh. kakainis sila.

    wala atang smart sa smart eh.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Buti nalang kamo kasama ko ang PSP ko sa pag aantay kaya keber lang ako kahit matagal. Medyo nakakainit lang ng ulo si kuyang nasa counter. Parang lumilipad ang utak habang nag eexplain ako. Sakit sa bangs.

    [Reply]

  8. baka si marylin monroe yan?

    aw baket ganon kashonga yung nag uupdate ng account mo? pede mo sila idemanda vajee

    kaya ako bayantel dsl. wala pa prob. sang tawag lang solb na. walking distance lang kasi samin ang building. hoho

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Shet may anak akong blonde? How oh how?

    Ahahay! Walking distance ang building pedeng pede mag amok! Haha.

    [Reply]

  9. teka si ron weasley ba yan hehe

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Yes jesong

    [Reply]

    jason Reply:

    katy perry eh

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Ay oo nga!

  10. Unang una Vajee, ito ay para sa kaalaman ng lahat. Bilang nakalinya sa ganitong serbisyo, nais kong ipaliwanag ang side namin dahil napaliwanag mo naman na ang side ninyo. Seryoso muna ako dito.
    1) Ang pagpapadala ng SMS, ng Statement of Account ay nakabatay sa tinatawag naming Service Level Agreement o mga araw kung kailan dapat nagpapadala ng mensahe, text,a advisory, tawag o maging sulat. Hindi lamang iisa ang subscriber kung kaya’t ang pagpapadala ay bultohan/maramihan.
    2) Maaaring ang may problema ay ang courier na outsourced/agency partner lamang ng isang kumpanya na naghahatid ng sulat. Hindi tayo nakakasiguro kung totoong dinadala nila sa bahay at hindi sa imburnal ang sulat. Maraming kasong ganito na kung tutuusin, hindi kasalanan ng kumpanya subalit inaako pa rin dahil, yon di umano ang kalakaran.Magbibigay sila ng Remarks/Proof of Delivery na maayos at ligtas na naihatid ang sulat na konpident naman kaming nagawa nga nila ang kanilang tungkulin. Magkakabayaran na. Halimbawa, sampung piso ang bayad sa isang sobre, hindi na natin sigurado kung magkano ang tinatanggap ng isang kartero, 2 piso? Nakadepende na yan. Kung ikaw ay kartero, mag-iisa isa ka ba para sa 2 pesos? Merong oo, at hindi. Kaya si Marilyn, ay asawa mo at na anakan mo, sinong maysabi na hindi pwedeng maging writer ang kartero, malikhain, hindi ba? Na tunay na nagpapasakit sa bangs ko.
    3: Mailing System- magulo pa sa bulbol ang address ng Pilipinas. Minsan naman sinasadyang maliin ng mga subscriber para hindi sila mapadalhan dahil sila ay blacklisted na, o kaya naman ay gagamit ng ibang pangalan para makapanlokong muli, saka tatawag sa customer service para magalit at halos akuin ang mundo dahil naputulan ng linya. Be considerate naman sa mga CSR sana ano po, tao po yang mga yan, at hindi po nila kasalanan ang inyong inirereport, nagkataon lang na sila ang napag-utusan sumagot ng inyong pagdadakdak.
    4: Kung nagbayad ka naman sa mga Bayad Centers or third party agent, siguraduhin mong tama ang iyong account number pati na rin ang account number ng kumpanyang pagbabayaran mo. Pagkatapos, kung may oras ireport ito sa CSRs na nakapagbayad na upang ma-update ang system. Kung may utang ka pa rin, I suggest, magfax ka ng proof of payment sa kanila.

    Maraming salamat.

    Note: Hindi ako taga Smart.

    [Reply]

    aninipot Reply:

    hehehe,mabait si kulisap sa kakompetensyang kompanya.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Si Kuli kuli mabaet? Suntukan nalang!

    [Reply]

    taribong Reply:

    makabuluhang paliwanag ni Ginoong J.Kulisap… salamat sa pagbabahagi!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Kala ko ba magkakampi tayo tarbs? :(

    [Reply]

    Kuhrach Reply:

    nangiti naman ako sa mahabang paliwanag ni kulisap. wala na, mahal na kita talaga.

    [Reply]

    J. Kulisap Reply:

    Hindi ko rin itatangging may mga pagkakamali o pagkukulang, wala pong perpektong kumpanya, maging ang sarili natin ay may kakulangan.

    Ganun lamang po.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Lahat ng kumpanya mukhang pera. Pero ok lang naman yon kase yun naman ang purpose nila. Ang ayoko lang eh pag nalilimutan na nila ang satisfaction ng customers nila.

    Vajarl Reply:

    Ganyan lang yan pag tagalog ang entry ko. Kairiturr.

    [Reply]

    davin Reply:

    agree ako kay ginoong kulisap lalo na sa sa number1. katulad ng ibang mga kumpanya tulad ng mga credit cards na nagpapadala ng notices, automated, machine-generated. once di pa narerecieve sa backend ang payment di po maa-update ang system sa status ng account.gaya ng sinabi mo dun sa machine mo po inihulog, tingin ko may delay tlga ung ganun, katulad ng pag-dedeposit ng naka-sobreng pera sa mga ATM. ang mali siguro nila yung sayo nila ibinibigay ung burden to prove na nagbayad ka na, as long as may receipt ka sapat na dapat un, the rest trabaho na nila.

    nangyari din saken yan, walang dumarating na bill, sa credit card pati din sa smartbro.

    kawawang mga frontliners, limited lang ang access nila sa mga info at un lang ang meron sila sa pagharap sa mga irate customers. :)

    [Reply]

    davin Reply:

    nga pala, natawa ko sa instant anak. wahahaha!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Gusto mo magninong?

    Vajarl Reply:

    Actually, nagkaproblema talaga sa pagpasok ng bill. Kaso inabot ng isang buwan ang delay na kinailangan ko pa ireport sa office nila. Nung sinabi ko yun sa tumawag uli saken, hindi nya nireport. Nakakairita lang.

    [Reply]

    Kuhrach Reply:

    vaj… i-access mo online account mo sa smartbro. para aware ka sa status ng account mo. tapos online ka na din magbayad. anu ba bank mo?

    simula ng i-enroll ko sa bill payments ng bpi ang smartbro ko, wala ng pakinabang saken un pinapadala nilang billing ko. hassle free.

    Vajarl Reply:

    Oh? Pano ba yan? Actually wala akong bangko. Haha. Maliban sa ATM ng kumpanya, wala na akong gamit. Tradisyonal ako, sa ilalim ng unan nakatago ang pera.

    Pero balak ko na dati pa mag gawa ng account sa bangko. Ang problema kase eh hindi ko na naasikaso mula nung nadukutan ako ng wallet na pinaglagyan ko ng IDs ko. Shet.

    Kuhrach Reply:

    http://smart.com.ph/Account/Default.aspx?ReturnUrl=/connect/Default.aspx

    mag register ka jan para updated ka sa posting ng bills mo.

    Vajarl Reply:

    Sige salamat. Huwaw! Umoonline na ko!

    kaye Reply:

    @Jkul, hindi ka nga taga smart kasi taga bayantel ka. at mabait kang magpaliwanag kahit na kagagawan yun ng kalabang kumpanya.

    kami rin nagkaron na ng problema sa pagpapadala ng mga motorized mail. kala namin komo may pirma na nareceive, e ok na. yun pala, turns out likas na malikhain nga lamang ang mga lekat na tagadeliver ng sulat. kaya lang sa ganang akin, lalong hindi kasalanan ng customer kung may kalokohang ginawa ang courier. dahil ang agreement sa serbisyo ay nakapaloob sa pagitan ng service provider at ng courier, at kailanman ay walang kinalaman ang kostumer dito.

    nagtaka lang ako sa kwento ni Vaj, dahil kahit na hindi pa nga niya natatanggap ang billing statement e nagbayad na siya, pero panay pa rin ang singil sa kanya. di ko tuloy alam, Vaj, kung nakapagbigay ka ng proof of payment mo sa smart bro kasi kung nagawa mo yun at di pa rin nareresolba ang problema mo, aba’y talagang hindi smart ang smart.

    pero aminin na natin, na maraming beses, pag tumawag sa mga customer service hotline ng mga kumpanya, madalas kesa hindi, yung maghihintay ka ng matagal pero di pa rin mareresolba ang kaso mo. ganyan palagi ang problema ko sa globe naman. tatlong beses akong tumawag sa CS nila para ipareset ang online account ko. yun pala during those three times, hindi rin naayos. mabuti na lang at nakatyempo ako ng magaling na CSR na finally ay tumulong sa akin para maresolba ko ang aking problema. but that was after three unsuccessful tries.

    Ako naman, kapag natuwa sa serbisyong nakuha ko, i take time to write a letter of commendation to the company mentioning the name of the customer service rep that attended to my requests. i think duty din natin na gawin yun para naman makakuha rin siya ng incentive sa kanyang magandang serbisyo, at para ganahan pa siyang magsilbi ng maayos sa mga kostumer.

    [Reply]

    J. Kulisap Reply:

    Palagay ko sa kaso ni JC, Ginang Kaye ay nagkaroon ng problema sa pagpoposte ng kaniyang bayad, ang tanging solusyon diyan ay magpasa siya ng proof of payment.
    Dahil kung paulit-ulit na hindi nagbabago ang SMS speil, ang arrears pa rin ang mababasa ng sistema nila.

    Tama lahat ng sinabi mo Kaye.

    [Reply]

    J. Kulisap Reply:

    Mali ang spelling ng spiel, pakipalitan.salamat

    Vajarl Reply:

    Nagpasa na ko ng proof of payment. Hassle lang. Sana kase nung sinabi ko na sa kanila ang receipt number at details ng pagbayad ko eh maging ok na, kaso kinailangan ko pang pumunta sa service center na sobrang haba ng pila. Na kung tutuusin eh hindi ko naman dapat pinoproblema dahil nagbayad ako ng maaga.

    Vajarl Reply:

    Mommy, ang nangyare, nagbayad ako sa automated machine nila kase nga di ko narereceive ang bill. Nagluwa naman sya ng resibo, kaso hindi pumasok ang binayad ko kaya panay ang text ng smart saken.

    [Reply]

    kaye Reply:

    ayun naman pala. bakit hindi pumasok ang bayad? pag ganyan tuloy nakakadala na sa machine magbayad. kung maaari, mas gusto kong magbayad ng derecho sa cashier para mairecord ng maayos ang payment. talagang hindi fool-proof ang mga machines eh.

    sana’y wala nang mangyaring kabulastugan.

    Vajarl Reply:

    Gusto ko ren sanang sa cashier magbayad, kaso wala ang bill ko. Hindi ko alam pano ako magbabayad ng wala yon.

    Siguro i tatry ko yung sinasabi ni Kuhrach na online lahat. Para walang hassle.

    Kuhrach Reply:

    actually vaj.. pwede ka magbayad kahit walang bill. basta alam mo ang account number mo, ayos na.

    Vajarl Reply:

    Ganyan yung ginawa ko sa atm-like na nakatambay sa smart wireless center na di pumasok. Kaya medyo natrauma ren ako. Hehe.

    Vajarl Reply:

    Naiintindihan ko na marami kayong subscribers. At bulk ang messages, pero malamang sa malamang kung ikaw ang nagbayad na at sinesendan pa ng ganyang messages eh iinit den ang ulo mo.

    Teka, kahit naman outsourced yang courier na yan eh responsibilidad paren nilang siguruhin na makukuha ng subscribers nila ang bill nila. Sila ang pumili ng magsesend ng mail kaya responsibilidad paren nila yon.

    [Reply]

  11. aba me anak ka pala vajee…hahaha

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Ikaw ren magnininong?

    [Reply]

  12. ahahaha ipaDNA test mo si MArilyn baka naman may nakaligtaan ka lng baka SMARTBro pa ang maging daan para makilala mo si MArilyn malay mo nman o bka tadhana mo na yan at si MArilyn pala ang babangas sa bangs mo sa pwet:-)

    chilax lng Vajee:-)

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Bakit kelangang capital ang MA ng MArilyn? Masyado ba syang MAbaho at MApangkuha ng sulat ng may sulat?

    [Reply]

  13. may anak ka na pala vajayjay! alam mo, marami na rin akong nasungitan na customer service.. mostly sa destiny cable kaya ayun, hindi ko na tinuloy ang service sa kanila. mas mapapagkatiwalaan pa itong wi-tribe. walang downtime! malakas lagi ang signal! at wireless pa! naiisip ko lang na baka dahil sa microwaves ang signal nito, hindi kaya naluluto na ang mga utak namin dito?!
    note: hindi ako taga wi-tribe

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Gusto ko ren ma try yang Witribe, meron akong kilala na nagsabing maganda nga raw yan. Kaso ayun nga, 2 years kontrata ko sa smart. Sumasakit bangs ko. May pinapakain pa naman akong anak.

    [Reply]

    davin Reply:

    maganda ang wi-tribe kung hindi ka heavy-user. may limit ka kase kung ilang Gb ka lang monthly, pag na-reach mo na un, hindi na guaranteed ung speed ng connection mo (depende sa plan subscription mo). kung gusto mong mabalik ung speed ng connection mo, kunwari 1mbps for plan998, magbabayad ka ng addtional 200 pesos per GB. :)

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Oh? Sheeeet. Pano ko malalaman kung gano kataas yung nakukuha ko for a month habang di pa ko naka wi tribe? I mean, pano ko malalaman kung magkano ang dapat na plan na kunin ko, i diagnose baga.

  14. sabi ko na nga ba eh… tsk tsk tsk…

    may anak ka na eh.

    hakhak!

    kaya tito vajarl dapat talaga tawag ko sa’yo.

    hakhak!

    pakilala mo naman si marylin, ang pinsan ko! hakhak!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Hoooy! Gusto mo idikit dikit ko yang buhok mo gamit ang bebelgam na nakasabit sa gilid ng avatar mo?

    [Reply]

  15. Hi JC, hindi kita tatanggalan ng karapatang mong mairita, mangkulam, o isumpa ang kumpanya kung saan ay naka-subscribe ka, malaya mong magagawa ‘yan. Tatanggapin ko na rin na pagkakakamali ng kumpanya ang lahat, may hindi nagawang maayos na sistema pero nakikiusap ako na bilang isang responsableng indibidwal, mayron din tayong pananagutan bilang tagatangkilik, hindi nagtatapos sa pagbabayad, pagkonsumo at paggamit lamang ang relasyon ng kumpanya at ng isang subscriber.
    Bibigyan kita ng isang halimbawa:
    Hanggang ngayon, may mga subscriber na tumatawag sa akin para kamustahin lamang ako, para sabihing lagi niya akong isinasama sa kaniyang panalangin, isa siyang 75 years old na matanda, hindi na malusog, may alalay na at mahalaga ang komunikasyon gadget sa kaniya para maipahatid niya ang kaniyang mensahe sa nag-iisa niyang anak.

    Ano ang kahalagahan?

    Ipinapaalam niya sa akin kapag madedelay ang kaniyang bayad, kung pwedeng dagdagan ko ng CREDIT LIMIT pansamantala ang kaniyang akawnt upang sa ganun ay hindi siya magkaroon ng problema.

    Nagsasabi ng matapat, nakikiusap ng maayos, inihahain ang nararanasang problema sa service provider sa maayos na paraan, sinong sira-ulong empleyado ang hindi mag-aasikaso sa ganitong customer?

    Pero gaya ng lahat ng nakararanas ng hindi magandang impresyon, mahirap magtiwala sa service provider, hindi na nagiging masaya…may kalayaang umalis at humanap ng iba.

    Mahalaga ang RESPONSIBILIDAD sa aking pananaw.

    Magandang umaga sa lahat. Mahaba na ito pero nais ko lamang iparating ang boses ng mga service provider. Wala itong bayad pero sana nakatulong.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Wala akong planong maging personal, in any way, ang relationship ko sa kahit anong kumpanyang ginagawan ko ng business. Para saken, ang mga gantong bagay, wala dapat personalan. I mean, sige may matandang mabait, pero nagsasabing pede syang madelay ng bayad at pagbibigyan ng company.

    Meron isa, palaging on time mag bayad, pero nababalahura sa customer service. Mapa sino man yan, dapat patas tayo doods. Hindi ako nag subscribe sa inyo para maging facebook friends tayo. Gawin naten ang nasa agreement naten na makakakuha ako ng serbisyong dapat kong makuha ng walang perwisyo. Kung may perwisyo, gawan nyo ng paraan.

    [Reply]

    J. Kulisap Reply:

    Opo, gagawan po ng paraan.Makakaasa po kayo Sir.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Good. Sabi na ikaw yung ateng nakausap ko sa phone eh.

    duking Reply:

    hahaha!

    ay…

    Vajarl Reply:

    Excuse me?

  16. Ito pa pala:
    A: Maganda ang sinabi ni Kuhra, enrolled ang kaniyang mga bill sa AUTO-Debit, gaya ng CITIBANK, BPI at mga katulad nito na may ganung serbisyo.
    B: Para makasigurong naipapasok sa tamang akawnt, sa mismong service provider center na kayo magbayad, yon nga lang mahaba talaga ang pila.
    C: Magbayad ng maaga, para maiwasan ang pangungulam sa CSR, kung alam niyo lang, maraming umiiyak at tumatakbo sa CSR dahil lamang sa pangungulam ninyo, panahon na para magmahal ng kapuwa ha? Kung ang Monthly Recurring rate po ninyo ay naka-fix na,hindi na kailangang mag-antay ng bill, unless kailangan talaga ng mga kumpanya ninyo ang bill/ dahil may mga signatories na naghahanap ng mga dokumento, lalo na ang governemnt offices.

    Yong lamang po.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Kikilos na ko para sa online account na yan. Ayoko ng mapeste.

    [Reply]

    Kuhrach Reply:

    oha.. maganda daw ako.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Bakit ako lang ang hindi binobola ni Kulisap?

    [Reply]

    Kuhrach Reply:

    di ka nya loves.

    Vajarl Reply:

    Sapakin ko?

    Kuhrach Reply:

    wag, love ko yan. love din kita. make love, not war…

    sasabihin ko sanang “orgy” kaso kinilabutan ako . hahahaha

    Vajarl Reply:

    Kuhrach medyo naduwal ako. Haha.

  17. sabi ko na nga ba’t tunay na lalake ka, vajarl. tunay. na. lalake.

    ilabas mo si marilyn. hehe.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Mas lalaki pa pala ko ke Robin Padilla.

    Ay mas marami pala syang anak. Erase, erase.

    [Reply]

  18. naku ganyan palagi drama ng mga hinayupak na smartbro. na yan, laging walang bill. at kesyo napadala na ek.ek.. kami tatlong bwan ng walang bill tapos nung may dumating notice na galing sa atty. ng smart at ang total ng bayarin namin is tumatagingting na 10 kyaw. O diba? Ang lola namin (my tita) nagbuga ng apoy as in literal na apoy(chenes!) sa call center agent na nakausap nia dahil sa katangahan nila. At syempre todo sorry ang hinayupak. MAy magagawa ba ang sori nia kung nadungisan na nia puri namin (maka-emote, senya na) buti na lang 1 year lang ung sa amin. after a month may bill na kami… ehehehe

    Kailangan lang ng bonggang-bonggang soplaks para naman maimprove ung service nila. :D

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Teka, 10k? PANONG AABOT NG 10K ANG BILL? Shet!

    Masakit lang sa ulo kausap ang mga CSR nila. Yung personal, hindi yung sa phone. Kase nung nandon ako sa service center nila, parang lumilipad ang isip habang nag eexplain ako.

    [Reply]

    gnehpalle02 Reply:

    kasi sinama na nila dun ung sa attorney’s fee, line fee, at ung pagtanggal ng antena. pakinsyet nga un eh, wala naman kaming balak paputol ung koneksyon. kaya binugahan sila ng kumukulong asupre ni tita (ching!)un umayos naman sila. abi ko nga nung sumunod na months may bill na kami. tama ka din jan kasi sa sobrang dami ng complaints ek,ek, ung iba nga dun nagmamaganda eh taga NOAH naman sila (untah) ehehe…

    salamat sa pagkakadapa sa aking maliit na kuta. :D

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Anong NOAH?

    Kung ako sisingilin nila ng 10k eh ipambabayad ko nalang yun sa sarili kong abugado. Parang tanga naman sila. Sarap kutusan. Gaguhin ba ang customers? Kiskis ko pwet nila sa thumbtacks eh.

  19. ahaha, vaj ha? ikaw may lihim ha??? ahahahah :-)

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Actually, hindi na sya lihim. Lumabas na ang katotohanaan. May lahi akong bacteria. Nanganganak ng di ko alam.

    [Reply]

    len Reply:

    haha, korek, kumakalat ng hindi namamalayan.. LOL

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Magulat ka nalang may bago ka ng ama. Haha.

  20. ibig bang sabihin nito,pwede kang maputulan bigla bigla ng linya ng internet sa bahay?tapos mawawalan ka na ng update sa blog mo?tapos ‘di mo na ko yuyurakan sa blog ko?tapos,mami miss ka namin at pag chi chismisan kung kanino ka nakipag tanan?tapos may chismis na lalabas na sinalbahe lang ng mga hiphop sa inyo ang mura mong katawan?tapos iiyak kami ng 2 seconds and go on with our lives right after?

    isang malaking thank you sa SMART.kahit sa mga pinapatay,may tinatawag na mistaken identity.naiintindihan ko po kayo at ang napakalaki nyong kompanyang pinapatakbo ng matatalino at smart na tao.

    maraming salamat po sa patuloy na pag suporta.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    POTARAGIS KA DUKING POTARAGIS KA POTARAGIS KAAAAAA!

    NEVER, NEVER AKONG MAGAGALAW NG HIPHOPPERS!

    [Reply]

    duking Reply:

    dear hiphops ng QC,

    alam kong katulad ng mga rockstar,life style nyo rin ang sex drugs and violence.pwede bang paki reserve yung violence para kay vaj?

    nagmamahal,
    eminems

    [Reply]

    Kuhrach Reply:

    Bwaahhahahhahahahaha!

    Vajarl Reply:

    Lika nga rito’t akong bahala sayo. *evil smirk*

    - Mr. Quickie

  21. HAHHAHAHHAHAHHA! yung nawawalang anak mo nagpaparamdam na! HAHAHAHAHA!

    i love you! natawa na naman ako :D

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Mali pa nga ata ang pag spell ko. Marelene ata dapat. Baka magtampo ang anak ko.

    [Reply]

  22. me balita na ba ke marilyn?

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Ayun. Buntis na. Ambilis talaga lumaki ng kabataan ngayon. Tsk.

    [Reply]

  23. nilimot mo ata sustento sa bata kaya nagparamdam bigla, makunsensya ka naman!

    buti ala ako problema ganyan.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Mag try ka mag smart bro. Magkakaron ka ng instant byenan.

    [Reply]

    Ax Reply:

    Hindi pa yan ang nakakatakot.

    Ang pinakanakakatakot na senaryo ay yung sinasabi nilang ikaw ang tumanggap ng bill mo. Boo.

    [Reply]

    toni Reply:

    eh pano kung nagkataon kapangalan mo din ung tumanggap?

    nga pala nigoogle ko yang marc nelson meron syang mga shots na kamuka nong dating husband ni carmina..ung bro ni robin. wala lang!

    Vajarl Reply:

    Magugulat ako pag may isa pang Vajarl sa mundo.

    Teka nga, papagawa nga ako ng customized bill. Tingnan naren kung may mang angkin pa non. Papalagyan ko ng designs na pang satanista para matakot sila. Oha.

    Vajarl Reply:

    Ate toni, ansexy nun ni Maec Nelson. Hahaha.

  24. Unang-una, maraming salamat sa pangungumusta mo kay nanay kuya vaj.

    Pangalawa, ako (habang nandito ako sa saudi) ay nakatanggap si nanay last year ng notice galing sa law firm ng smartbro dahil daw hindi kami nagbabayad ng bill dun connection sa bahay. Syempre si nanay ay nag-alala naman, ang nangyari kasi ay lumipat kami ng bahay at pinconnect ulit at nagbayad ng mga necessary fees pero wala daw mahanap na signal kaya hindi nakabitan ng linya (that was the time na na pinadalhan kami ng noticed) kahit regular naman nagpa-follow up si nanay dun sa smart center. ang nangyari nagbayad kami ng pre-voluntary termination fee para dun sa contract dahil wala ngang signal. at dapat ay may marereimburse pa si nanay pero the last time na nagfollow up siya ay pinababayaran parin yung ibang months nacovered nung contract from the time na lumipat kami ng bahay.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Imbenters lang yang lawyers na yan. Haha. Mapanghusga.

    Anyways, magkano pala ang termination fee? Parang gusto ko na ipaterminate to eh. Parang termite kase. Huh? Kunek? Haha.

    [Reply]

    Pong Reply:

    mahigit sa isang libo (1,450 – nicheck ko pa yung scanned receipt kanina lang ahaha para tama). at hindi ko na din pinabayaran kay nanay dahil sabi sa akin ng CS ng Smart dahil naginquire ako via online at pinadala ko sa kanya lahat ng documents including yung noticed pati yung payment (receipt) ng pre-termination ay ok na daw. at dapat may reimbursement pa nga eh. kaso imbes na may reimbursement pa ay naniningil parin sila.
    pero pinabayaan na ni nanay.
    mga 4months pa kasi before magend ang contract at prior dun sa 4 months na yun ay nagapply na si nanay ng pre-termination dahil nga wala naman signal.

    gusto mo ng copy nung receipt at yung noticed ng law firm? send ko sa iyo

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Ah, sige hindi na. Medyo malabong ganyan lang ang bayaran namen for pre termination dahil 5 months palang ang SmartBro namen. Paktay.

    Salamat Pongkers.

  25. aray ko sakit nga sa bangs nyang problema mo. kalooka. wag naman sanang mangyari sa akin yan. pero hindi ako naka-smart, PLDT DSL ako kaya malabo (4 ever!).

    oi SMART asikasuhin ninyo concern ni Mr. Jan Carlo Caduldulan! bihira makakita ng costumer na gaya nya. saka 2 co-bloggers ko na ang nagrereklamo sa serbisyo ninyo.

    (dito raw talaga ipinaabot) hehehe

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Hahaha. Alam mo bang kanina lang eh tumawag nanaman sila saken? Naniningil nanaman! Tas pinaliwanag ko nanaman na may binayad akong hindi pumasok back in June 6. Tas sabe ‘Ay! Ganon po ba?’ tas sabi ko 2 times ko na inireport yon. Sobrang bagal ng usad. Kaasur.

    [Reply]

  26. Nagkaanak ka na, nagkapinsan ka pa! Mag s smartbro na nga rin ako. Yey. Yan ang mahirap sa mga bills na hindi dumarating.. at kung makapag text at tawag naman sila eh akala mo, pag-ibig ang tinutubos nila. Anyways, ibigay mo kaya ang address ng kapitbahay mo, baka sakaling dumating na.

    Baka may problema sa mga messenger nila.. or baka napupunta sa alternate world. Yung ‘ikaw’ sa alternate world ay may asawa na. Gosh, bat di mo sinabi sa akin Jc. Sige, ganyanan.

    [Reply]

    toni Reply:

    kabsat aapply ka din ninong?

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Sa alternate world ko, may labindalawa akong anak. Pero wala akong anak na Marilyn! Teka, wala nga ba?

    KIDS! ROLLCALL!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Magdidistribute ako ng listahan ng mga gustong maging godparents ni Marilyn. Marami kaseng gusto. Tapos papakontes ako, pabilisan umubos ng champorado na ang gamit eh tinidor lang.

    [Reply]

  27. haha smartbro din kami

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Poor us.

    [Reply]

  28. HOMAYGAD! akala ko si Sandara na yung highlight nung post! Marilyn. LOL. Kaway-kaway Vajee!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    BADONGKADONKS! HAMISHU NA! Hanyare hanyare? Wag ka magpaka monster sa work kase yan ang gagawin mo for the rest of your life. Bureng. Lolmuch.

    [Reply]

  29. HAMISHU CHOO! I’m coming back! Feel ko ring mag-ninong kay Marilyn!

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Finally! Yung mga una kong nakilala simula nung lumipat ako sa wordpress eh nagsitigilan na sa pag sulat! Magbalik kayong lahat! Hahaha.

    Sige, pila ka lang. Mukhang dadami pa naman ang mga kamag anak ko kaya kelangan ng maraming ninongs.

    [Reply]

  30. Honga. Si Diego Jose nga, na-evict na sa bahay niya! tsk tsk.

    [Reply]


  31. modernonglapis says:

    smart din ako din but i swithced to sun na. i got smarter eh…hehe

    naman kasi bakit hindi mo binibigyan ng baon anak mo, dinala tuloy bill niyo..baka katibayan niya yun na ama ka niya..hehehe:)

    [Reply]

  32. na experience ko rin yang sa mail kaya nga sa ofis ko pinapabagsak mga mails or sa tita ko.

    me anak ka na? kanino? uy, iba ng sexual preference nia. marilyn ah. :P

    [Reply]

Leave a comment

Bebelgam Ad

Vajarl at

Chewing Gums